
| BAKIT MAHALAGA ANG PACKING LIST |
|

What are the prices/rates? Answer: If the destination is Manila, the rate should be the current rate for the season. The rate includes: • Free Replacement Box (Doble and Kapal). • Free Pick-up • Free Insurance Coverage of $500 for accidental loss. • Free Proof of Delivery with Pictures: mailed to you, guaranteed. Question: Why are your rates expensive compared to other cargo companies? Answer: Our rates are not expensive but rather regular. Other cargo companies can give you lower rates due to the following: 1) They are not bonded, registered, and licensed by the Federal Maritime Commission. • If they closed down their businesses, there is no way for you to run after them (fly by night companies). 2) They do not maintain their own offices and/or delivery personnel in the Philippines. They resort to sub-contractors which often times are tempted to pilferage the box contents. 3) They do not guarantee departure dates or time because if they do not have full load, their cargo containers do not leave on time. Unlike us, we write down on the receipt the departure dates to guarantee you that your cargo leaves on time, regardless if we have a full load or not. “Dahil ang Cargo Ninyo, Kargo Namin.” Question: Bakit $500 lang ang maximum insurance per box? Answer: Ang bawat Pilipino, na nagpapadala ng pang-sariling kargamento, patungo Pilipinas ay mayroong lamang tax exemption hanggang $500.00 kaya ang declared value na pwedeng ilagay sa bawat kahon ay hanggang $500.00 lamang. Isang paa-lala nga pala, sa mga nagpapadala, siguraduhing nakasulat sa resibo o contrata ng inyong pinapadalang cargo na mayroong nakasulat na kaukulang insurance proteksyon na may halaga. hanggang $500.00 bawat kahon para sa inyong pang-sariling kapakanan sa oras na mawala ang inyong buong kargamento. Question: Bakit ang tagal ng Travel Time ng mga cargo patungo sa Pilipinas? Answer: From departure date dito sa Amerika (West Coast-Los Angeles), add 16 days voyage patungo sa Kaoshiong, Taiwan (isang International Transfer Port sa Asia). Add another 3 days voyage patungo sa Pilipinas. Add another 1 to 2 days sa Philippine Customs para sa examining and releasing ng mga cargamento. So, the earliest delivery is date is 20 days from the Bill of Lading departure date. Question: Bakit pag pick-up, oras ninyo sa Alpha ang nasusunod at hindi kaming mga customers? Answer: Kasi po, sa dami ng mga pick-up requests, ang bawat driver ay gumagawa ng routa para madaanan sa isang pasada. Dalawang pick-up stops sa bawat oras, kaya tinitignan sa route plan kung pang-ilan kayo. Kaya doon po namin nasasabi kung ano ang estimated time na makakarating sa bahay ang driver na sigurado, kaysa maghapon kayong maghihintay kung walang plano ang routa. Question: Bakit kailangan pa ang Packing List? Answer: 1) Para po kung may 100% examination sa Philippine Customs, “once in a while,” hindi na kailangan pang buksan ang box ninyo kung may packing list ang mga nilalaman. 2) Para po ma-handle ng tama ang box ninyo. Kung may nakikita na may delikadong laman ang mga kahon ninyo, lalo po nilang iingatan ang box ninyo. 3) Kung nabutasan ang box ninyo sa kaka-karga at kaka-baba sa mga truck sa Pilipinas, pwede itong magamit sa inventory ng tumatanggap ng inyong bagahe para malaman kung kumpleto ito. Question: Papaano po ba ang processo ng paghahabol kabag ang bagahe ay hindi nakarating o naideliver sa aking pinadalhan. Answer: Isa po sa pinaka importante na hawak ninyo sa pag-hahabol ng hindi nai-deliver na bagahe na padala ninyo ay ang resibo na ibinigay sa inyo sa oras ng pag-pipick-up na kung saan dapat mayroong nakasaad na Liability Insurance coverage na may katumbas na halaga hanggang $500.00 maximum. At sa mga kumpanyang bigla namang nagsarado o tumigil sa pagnenegosyo, kailangan ninyong alam ang kanilang Federal Maritime Commission NVOCC License number na kung saan pwedeng mabawe ang inyong claim sa kanilang Bond o pondong nakadeposito sa nasabing ahensya ng gubyerno. Question: Bakit ang ibang Cargo Company lalo na ang mga baguhan ay nakakapag bigay ng mababang presyo? Answer: Dahil hindi sila nagbabayad ng kaukulang Insurance, Bond, at Lisensya ng Federal Maritime Commission at hindi nagma-mantini ng sariling opisina at mga tauhan sa Pilipinas kundi, pina-kikisakay lang ang cargo dito at sina-sub contract lang ang pag- dedeliver ng mga cargo sa mga kumpanya at tao na hindi nila controlado kaya bumababa ang puhunan nila. Dahil dito, ang mga cargo na kanilang tinatanggap dito ay walang proteksyon sa pagkawala o pagkasira at posibleng pag-kabawas ng nilalaman sa dahilang hindi nila empleyado ang humahawak sa kargo ninyo. Question: Bakit po yong iba ay tumatagal ng mahigit na isang buwan bago madeliber ang cargo patungo Pilipinas? Answer: Iyong ibang nagka-kargo particular iyong mga baguhan pa ay naghahanap pa ng pakikisakayan na kumpanya dahil wala silang sariling container, sa dahilang, kung wala silang lisensya ng Federal Maritime Commision, hindi sila pwedeng mag- karga ng diretcho sa barko at iyong iba naman ay nag-hihintay pang mapuno ang kanilang container na kung saan ay umaabot ng dalawang linggo bago mapuno at umalis dito sa America dahil kumu-konti na ang nagtitiwala sa kanila. Question: Tutuo po bang may naiipit na mga kargamento na tumatagal sa Pier at Customs sa Pilipinas? Answer: OPO. Kapag ang inyong bagahe ay nakasama sa mga “MIS DECLARED” na kargamento na ang ibig sabihin ay may kahalong mga kargamentong ipinagbabawal o commercial quantity na pang-negosyo na umiiwas ng pagbabayad ng buwis o mga illegal na kargamento gaya ng mga Baril, Droga, o mga pinagbabawal na bagay sa batas ng Importasyon ng Pilipinas. Ito po ay sinasaliksik at ini-eksamen mabuti na tumatagal ng higit kumulang ng dalawang linggo hanggang isang buwan. Kaya kapag ang inyong bagahe ay pinakikisakay lamang sa mga gaya ng nasabing mga kargamento, nakakamenos nga kayo, pero perhuwisyo ang aabutin ninyo sa tagal ng paghihintay ninyo. |